Nakatakdang magtungo na sa Los Angeles ngayong araw Marso 23 si Filipino boxer Mark Magsayo para simulan ang training.
Maghahanda kasi ito sa kay Rey Vargas sa buwan ng Hulyo.
Sisimulan nito ang training sa Wild Card Gym sa ilalim ng beteranong boxing coach na si Freddie Roach.
Nasa bansa kasi si Magsayo mula pa noong Marso 3 matapos ang paninirahan sa US ng dalawang taon.
Huling laban nito ay noong manalo siya kay Gary Russel sa pamamagitan ng majority decision dalawang buwan na ang nakakalipas.
Walang katalo-talo ang 26-anyos na si Magsayo sa 24 na laban na mayroong 16 knockouts habang ang Mexican boxer na si Vargas ay mayroong 35 panalo walang talo na mayroong 22 knockouts.
Nakatakdang labanan sana ng dating WBC super-bantamweight champion na si Vargas si Russel subalit nagkaroon ito ng injury kaya ipinalit si Magsayo.
Aminado si Magsayo na isang malaking hamon ang pagharap nito kay Vargas.