-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakakulong na ang magsasaka na residente ng Brgy. Upper Parai, Kasibu, Nueva Vizcaya matapos magpaputok umano ng baril na ikinaalarma ng mga residente sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa NVPPO, ang pinaghihinalaan ay si Mariano Moliyoc Jr., 26 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Mayroong tumawag sa hotline number ng Kasibu Police Station kaugnay sa pagpapa-putok ng baril ng pinaghihinalaan na agad nilang tinugunan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagtanong umano ang isang Joyce Bulayo sa pinaghihinalaan kaugnay sa status ng kaso na isinampa laban sa kaniyang misis.

Nairita umano ang pinaghihinalaan at inilabas ang laman ng kanyang sling bag na Cal. 45 at nagpaputok umano ng tatlong beses pataas.

Tumakas si Moliyoc matapos magpaputok ng baril ngunit agad nagsagawa ng pagtugis ang Kasibu Police Station at nahuli ang pinaghihinalaan.

Inihahanda na ang kasong kasong alarm and scandal at pagalabag sa Republic Act 10591 ( Illegal Possession of Firearms and Ammunition ) laban sa pinaghihinalaan na nasa pangangalaga ng pulisya.