CENTRAL MINDANAO- Sugatan ang isang magsasaka nang masabugan ng bomba sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Jorry Marabong,37 anyos,may asawa at residente ng Brgy Rempes Upi Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na gumamit ng Improvised Explosive Device (IED) ang biktima sa pangangaso nito ng baboy ramo sa bulubunduking bahagi ng brgy Rempes sa bayan ng Upi.

Ngunit aksidenteng sumabog ang IED na ginawang patibong ng biktima sa baboy ramo at tinamaan ito sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Naisugod ang biktima sa pagamutan ng kanyang mga kamag-anak at nasa maselang kondisyon.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Upi PNP sa naturang pangyayari.