CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Fahad Ayob Daguiman,35 anyos,may asawa at residente ng Brgy Damalasak Pagalungan ng Maguindanao.

Ayon kay Datu Montawal Chief of Police Captain Razul Pandulo na naglalakad lamang ang biktima sa Brgy Talapas Datu Montawal Maguindanao ng itoy pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng walong tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.