CAUAYAN CITY- Namatay ang isang tsuper habang nasugatan ang isa pa sa banggaan ng trike at motorsiklo sa Barangay San Patricio, Delfin Albano, Isabela.

Ang mga sangkot ay isang 3 wheeled trike na minamaneho ni Noel Garma, 55 anyos, magsasaka, residente ng Barangay Quibal, Delfin Albano, Isabela at isang single motorcycle na minamaneho ni Rosendo Rivera Jr. 44 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Calinaoan Sur, Delfin Albano, Isabela.

-- Advertisement --

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Delfin Albano Police Station binabagtas ng trike ang lansangan patungong Sto. Tomas, Isabela nang makarating sa barangay Quibal ay nabangga nito ang papalikong motorsiklo.

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng sugat ang tsuper ng motorsiklo at backrider nitong si Estrella Zipagan, 55 snyod, residente ng Calinaoan Sur, Delfin Albano, Isabela.

Agad na dinala sa pagamutan sina Rivera at Zipagan na nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician si Rivera.