Bigti 1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka nang magbigti sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Olivio Aquino Olog, 56 anyos, may asawa at residente ng Purok Everlasting,Barangay Pamantingan,Esperanza,Sultan Kudarat.

Sinabi ni Marivic Olog na laking gulat nya nang makita ang mister na nagbigti sa loob ng kanilang tahanan gamit ang nylon rope.

Naniniwala naman si Marivic na posibling dahilan nang pagbigti ng kanyang mister ang matagal na niyang pagdurusa sa kanyang Sore Throat Cancer Stage 4.

Nakatakda na sana sa kanyang chemo therapy ang magsasaka ngunit kapus sila sa pera.

-- Advertisement --

Kaagad namang dinala sa punerarya ang bangkay ng biktima.

Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa kanilang imbestigasyon sa pagbigti ng magsasaka.