Patuloy pa ngayong tinutugis ng mga otoridad ang isang lalaki na suspek sa pananaksak na humantong sa pagkamatay ng ama nito sa Guihulngan City Negros Oriental.
Nangyari ang insidente hapon noong Enero 1, 2023.
Kinilala ang biktima na si Alfredo Gantalao Sr., 55 anyos habang ang suspek na anak nito ay kinilalang si Alfredo Gantalao Jr. , 22 anyos.
Sa panayam ng Star Fm Cebu kay PSSg Buen Nocos Diamano, sinabi nitong personal na nagsampa ng reklamo laban sa suspek ang kapatid nito na si Rolando Gantalao, 38 anyos.
Una rito, lasing umano na umuwi ang biktima sa kanilang bahay at nagkaroon ng alitan sa anak nito dahil sa kambing na gusto sana niyang ibenta ngunit hindi pumayag ang anak.
Hinampas ng kahoy ang anak nito kaya nasaktan kumuha at ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa tagiliran ang kanyang ama.
Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit kalaunan ay binawian rin ng buhay dahil sa layo ng lugar at naubusan na ito ng dugo.
Hindi naman narekober ang kutsilyo na ginamit ng suspek at posibleng tinangay ito nang tumakas.
Samantala, sinabi ni Diamano na naisampa na kanina, Enero 3, ang kasong parricide laban sa suspek habang patuloy pa itong pinaghahanap ng mga otoridad.
Hinimok naman nito ang mga may alam sa kinaroroonan ng suspek na hikayatin itong sumuko nalang o ireport sa pulisya.










