-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang magsasaka matapos barilin habang nagpapastol ng kaniyang alagang baka sa Purok- 6 Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay PMajor Rufo Figarola, hepe ng Benito Soliven Police Station ipinaabot niya ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng biktima na si James Pagdilao, 39 anyos, may-asawa at isang magsasaka habang ang pinaghihinalaan ay si Alfonso Carlos Iplasido, 61 anyos, may trabaho na kapwa residente ng Yeban Sur Benito Soliven, Isabela

Batay sa ulat ng pulisya isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa kanilang himpilan kaugnay sa natagpuang lalaking nakahandusay sa nabanggit na lugar na agad nilang tinugunan.

Sa naging imbestigasyon ng mga awtoridad nalaman na isang bata umano ang nakakita sa nasabing bangkay at nalaman Batay sa posisyon at basyo ng bala na nakita sa lugar na malapitang pinaputukan ang biktima gamit ang isang 12 guage shotgun.

Nakikitang dahilan ng pagpatay ang pagkakaroon ng umanoy relasyon ng biktima sa asawa ng suspek ngunit nangyari ito matagal na panahon na ang nakalipas.

Maayos na umano sila ngunit lumalabas na tila nagkimkim ng galit ang gunman kaya isinagawa ang krimen.