bigti
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa dalawa katao ang nagpatiwakal sa bayan ng Midsayap Cotabato sa loob lamang ng isang linggo.

Nakilala ang biktima na si Diosdado Niala Torres, 49-anyos, balo, magsasaka at residente ng Purok Maligaya, Brgy. Kimagango, Midsayap Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Glenford Dumaque Alberto na mismong si aling Remidios Torres ang nakakita sa kanyang anak na nakalambitin sa puno ng mangga sa likod ng kanilang tahanan.

Ginamit ng magsasaka ang isang nylon rope na itinali niya sa sanga ng mangga at sa kanyang leeg dahilan para itoy bawian ng buhay.

Problema sa pera at pagkamatay ng asawa ng biktima dahilan nang pagpapatiwal nito dahil sa sobrang depresyon.

-- Advertisement --

Ito na ang pangalawang insidente nang pagpapakamatay sa bayan ng Midsayap sa loob ng isang linggo.

Wala namang nakitang foul play ang Midsayap PNP sa kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ng magsasaka.