CAUAYAN CITY- mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang magsasakang nasamsaman ng armas at mga bala sa loob ng videoke bar sa Arellano Quezon,Isabela.

Ang suspek ay si Daniel Baglao, 25 anyos residente ng Callangigan, Quezon, Isabela.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang mga kasapi ng Quezon Police station kaugnay sa pagiingat ng baril ng pinaghihinalaan habang nasa loob ng videoke bar.

Sa pagtungon ng pulisya at nang tanungin ang pinaghihinalaan ay kusa naman nitong isinuko ang isang improvised na baril,tatlong piraso ng bala ng 12 guage shotgun, 25 piraso ng bala ng 5.6 mm, 9 na bala ng 9mm ,isang backpack at isang body bag.

Ang suspek at nasamsam ng mga bala at baril ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon.