-- Advertisements --

Bahagyang humaba ang pila ng mga sasakyan sa Bagong Nayong Pilipino sa lungsod ng Parañaque, para sa drive-thru vaccination center.

Target na maturukan dito ang nasa 15,000 kada araw.

Nabatid na natatagalan ng hanggang kalahating oras ang mga nagpapabakuna dahil kailangan din silang obserbahan pagkatapos ng vaccination.

Sa unang linggo ng operasyon, tanging mga residente at mga nagtatrabaho sa Parañaque muna ang mababakunahan, habang isinasaayos ang paraan ng pagrehistro ng mga taga ibang lugar.

Kailangang dala ng mga magpapabakuna ang QR code nila para ipakita sa site, kasama na rin ang kanilang valid ID.

May paradahan naman para sa post-vaccine observation kaya hindi naman itong magdudulot ng problema sa ibang motorista, kung masusunod lamang ang tamang proseso.