Tiyak na ang pagpasok ng Magnolia Hotshots sa playoffs ng PBA Philippine Cup matapos tambakan ang NLEX 102-74.

Naging bida sa panalo si Paul Lee na nagtala ng 26 points habang nag-ambag naman ng 15 points si Aldrech Ramos habang mayroong 14 points si Mark Barroca.

Umabot sa 31 points ang naging kalamangan ng HotShots na hindi na nila hinayaang makalamang pa ang NLEX.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero, na nakamit na nila ang kanilang hangarin na makapasok sa pang-anim na puwesto.