-- Advertisements --

Tinambakan ng Magnolia Hotshots ang Barangay Ginebra 118-88 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Hotshots kung saan umabot pa ng 31 points ang kanilang kalamangan.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Antonio Hester na mayroong 28 points, 18 rebounds at siyam na assists habang mayroong 21 points si Mark Barroca at tig-18 poins naman sina Paul Lee at Calvin Abueva.

Sinamantala ng Hotshots ang maaring kapaguran ng Ginebra na naglaro ng apat na laro sa magkakasunod na walong araw.

Nagtapos lamang sa 22 points si Justin Brownlee ng Ginebra.