MANILA – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami ang naitalang magnitude-7.3 na lindol sa Antartica.
#TsunamiPH
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) January 24, 2021
ADVISORY: NO TSUNAMI THREAT
Tsunami Information: 1
Date and Time: 24 January 2021 – 07:37 AM
Magnitude = 7.3
Depth = 10 kilometers
Location = South Shetland Islands (Antartica) pic.twitter.com/H1eG8PfCAA
Ayon sa ahensya, naramdaman ang malakas na pagyanig sa naturang kontinente kaninang alas-7:37 ng umaga, na may lalim na 10-kilometro.
“A major earthquake with a preliminary magnitude of 7.3 occurred in South Shetland Islands on 24 January 2021 at 07:37 AM (Philippine Standard Time) located at 62.0 oS, 55.3 oW with depth of 10 km,” nakasaad sa anunsyo ng PHIVOLCS.
“No destructive tsunami threat exists based on available data.”
Ang National Emergency Office ng Chile ang unang nag-report ng naramdamang lindol.
Inalerto na rin nito ang kanilang Eduardo Frei base sa Antartica dahil sa banta ng tsunami.