Reading Time: 1 minute
Athens Greece
Greece Map

Nagdulot ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente at phone signal ang pagtama ng 5.1 magnitude na lindol sa Athens, Greece.

Ayon sa US Geological Survey, nakita ang epicenter nito sa 22km north-west ng Athens.

Agad na lumikas palabas sa mga gusali ang mga residente matapos ang lindol.

Wala namang naitalang seryosong nasugatan subalit nakaramdam ng magkakasunod na aftershocks ang mga residente.

Taong 1999 ng tamaan ng magnitude 6 na lindol ang Athens na ikinasawi ng 143 katao at ikinasira ng maraming gusali.