-- Advertisements --
Niyanig ng 4.7 na lindol ang karagatan ng Calatagan, Batangas noong Martes ng madaling araw, Hunyo 10 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang lindol ay nangyari bandang alas-12:04 ng umaga sa 14 kilometro timog-kanlurang bahagi ng Calatagan, sa lalim na 145 kilometro.
Wala namang inaasahang malalang pinsala mula sa mga pagyanig.
Samantala tumama naman sa Mamburao, Occidental Mindoro; Calapan City, Oriental Mindoro ang Intensity at Intensity I sa Calatagan, Batangas.
Naitala din ang ilang sunod-sunod na aftershocks, kabilang ang magnitude 2.3 at 2.0 na mga lindol, ngunit wala pang ulat ng pinsala.