TACLOBAN CITY – Arestado ang dalawang katao matapos makuha sa mga ito ang mga pekeng sigarilyo sa checkpoint sa Barangay Mahayahay, Saint Bernard Southern Leyte.

Kinilala ang mga suspek na sina Gerardo Dela Cerna Casas, 31-anyos, at kapatid na si Jay Dela Cerna Casas, 25, parehong residente ng Barangay Salvacion ng naturang bayan.

Nakumpiska sa magkapatid ang 30 ream ng iba’t ibang pekeng brand na sigarilyo na may estimated market value na P11,000.

Ayon kay PCMSgt. Alberto Tomol, duty investigator ng St. Bernard Police Station, ang naturang mga sigarilyo ay inaangkat ng mga suspek mula sa Muslim supplier sa Bato, Leyte at kanila rin itong binebenta sa mga interior na mga lugar.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang magkapatid na suspek.