ILOILO CITY – Nakakulong na ang magkakapatid na naaresto sa drug buy bust operation sa Sambag, Jaro, Iloilo City.

Ang mga arestado ay kinilalang sina Sydney Alentaje, 25-anyos na subject ng buy bust operation; Jan Raymond Alentaje, 31; at Raymundo Alentaje, pawang residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Capt. Eduardo Siacon Jr., hepe ng Jaro Police station, sinabi nito na si Jan Raymond ang humahawak ng pera habang si Sydney naman ang nagbibigay ng iligal na droga.

Kinukuha naman ng magkapatid sa bayan ng Leganes ang ibinebentang iligal na droga.

Sa ngayon nasa Jaro-Philieppine National Police ang tatlong nadakip at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.