Pinaalalahanan ng Department of Tourism (DoT) ang local government units (LGUs) na huwag nang gumawa ng kanya-kanyang patakaran na lihis sa panuntunan ng IATF sa isyu ng turismo.
Ayon kay DoT spokesman Usec. Benito Bengzon Jr. sa panayam ng Bombo Radyo, naayos na ang isyung ito, ngunit patuloy ang kanilang monitoring sa pagsunod ng mga lokal na pamahalaan.
Nilinaw nitong mayroong iisang sistema ang buong bansa sa domestic travelers, lalo na ang nasa karatig na lugar lamang ng Metro Manila.
Mula sa dating police at LGU clearance, negative COVID result na lang ng RT-PCR test ang kailangan ngayon kung papasok sa isang probinsya o bayan.
Kaya naman, ang mga may kailangang isumbong ay maaari umanong dumulog sa pamamagitan ng DoT app para sa mabilis na pagtugon.