Iniulat ng Philippine National Police na naging “generally peaceful” ang unang araw ng ikinasang weeklong tigil-pasada ng ilang transport group sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Batay sa paunang assessment ng Pambansang Pulisya, naging maayos ang isinagawang kilos-protesta ng ilang grupo ng mga tsuper at operator sa unang araw ng kanilang tigil pasada at kaugnay nito ay wala namang naitalang anumang untoward incident ang kapulisan.
Ngunit gayunpaman ay nilinaw ng PNP na nananatiling nakaalerto ang kanilang buong hanay para sa weeklong transport strike na isasagawa ng mga ilang grupo ng transport sector.
Habang magpapatuloy din ang iniaalok na libreng sakay ng PNP para sa mga pasaherong maaapektuhan ng naturang tigil pasada.
Kasabay ng patuloy ding pakikipag-ugnayan ng pulisya sa kanilang mga lokal na pamahalaan kaugnay nito.