NAGA CITY – Nalungkot ang mga Pinoy sa Israel matapos na magtapos sa Top 5 si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa kakatapos pa lamang na Miss Universe 2021.
Sa ulat ni Bombo international news correspondent Glenda Talon Daquioag mula sa Port of Eilat sa nasabing bansa, sinabi nito na halos 50% ng audience ay halos mga Pinoy.
Kung maalala, kasama sa mga nakapasok sa Top 5 si Miss Universe Philippines kasama sina Miss Colombia, Miss Paraguay, Miss South Africa at Miss India ngunit dito na nagtapos si Bea.
Sa huli, kinoronahan bilang bagong Miss Universe 2021 si Miss India habang nakuha naman ni Miss Paraguay ang 1st runner up at 2nd runner up si Miss South Africa.
Sa kabila nito, nananatili pa rin ang paghanga ng mga Pinoy kay Gomez dahil sa pinakita nitong performance sa nasabing kompetisyon na kinatampukan.