CAUAYAN CITY- Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Magat dam reservior sa ilog magat, Ramon, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Dam and Reservior Division ng NIA-MARIIS na hanggang kaninang 9:00pm ay nakabukas pa rin ang isang spillway gate ng Magat Dam at nasa dalawang metro ang taas ng spillway gate at 412 cubic meter per second ang pinapakawalang tubig.
Una nang sinabi ng Dam And Reservior Division na kaya nagpapakawala sila ng tubig ay dahil sa malaking buhos ng tubig ang pumapasok sa dam na umaabot sa 297.97 cubic meter per second.
Upang mapanatili ang ligtas na level ng tubig sa Magat Dam ay kinakailangan nilang magpalabas ng tubig.
Ang water elevation ngayon ng Magat dam ay 190.63 meters above sea level malayo pa sa spilling level na 193 meters.