-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Simula 5:00 AM bukas (Dec. 19, 2020) ay magpapkawala ng tubig mula sa Magat Reservior ang National Irrigation Administration.

Ito ay dahil pa rin sa ma nararanasang pag-ulan sanhi ng Northeast Monsoon.

Mula sa 200 cubic meter/second ang pinakawalang tubig at maaari pang madagdagan depende sa lakas ng ulan sa Magat watershed.

Dahil dito ipinapayo sa mga mamamayan na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.

Pinapayuhan din ang mga mamamayan na dalhin ang mga alagang hayup sa mga ligtas na lugar at huwag itali sa gilid ng mga ilog.