-- Advertisements --

Naglabas ng advisory ang National Irrigation Administration (NIA) ngayong umaga October 10, 2021 na magpapakalawa ng tubig ang Magat Dam simula mamayang alas-3:00 ng hapon dahil sa bagyong Maring.

Ang nasabing notice ng NIA ay pirmado ni Engr. Carlo Ablan, flood operation manager ng Magat FFWHU Dam Office.

Ang pagpapakawala ng tubig ng dam na matatagpuan sa Ifugao at Isabela ay dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa mga nasabing lugar.

“The spillway’s Gate No. 4 will be opened at one meter, approximately discharging 200 cms,” pahayag ng NIA.

Nakataas kasi ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa siyam na lugar dahil sa bagyong Maring at LPA.

Ang mga lugar na nasa TCWS No. 1 ay ang northeastern portion ng Isabela (Santa Maria, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, San Mariano).