CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival ang mag live in partner sa pagamutan sa nangyaring vehicular crash sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jelly Padayao, beauty advisor at ang kanyang live-in partner na si Aladin Dagan Edol, 32 anyos isang technician at mga residente ng Pikit Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo ngunit pagsapit nila sa Brgy Manubuan Matalam North Cotabato ay binangga sila ng isang Innova Toyota na minamaneho ni Ansalo Abdulasam Nasser.

Pumutok umano ang isang gulong ng Innova at hindi na makontrol ng driver ang manobela at binangga ang mga biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang mag live in partner ngunit hindi na ito umabot ng buhay pagkatapos magtamo ng maraming sugat,pasa at bali sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

-- Advertisement --

Napag-alaman na apat na buwang buntis si Jelly Padayao na patungo sana sa kanyang boarding house sa Kidapawan City para magduty sa kanyang trabaho habang dideritso ng Digos City si Edol.

Sa ngayon ay nasa kustudiya ng Matalam PNP ang driver ng SUV at sinampahan na ng kaukulang kaso.