baguio benguet blood donors

BAGUIO CITY – Nagsilbing family bonding ng isang pamilya mula Benguet ang kanilang pag-do-donate ng dugo sa nagpapatuloy na Dugong Bombo 2019 sa Baguio City at La Trinidad, Benguet.

Sabay na nagtungo sa KM 5, La Trinidad, Benguet na isa sa mga venue ng Dugong Bombo ang mag-asawang sina James Losnong at Anita Losnong para maghandong ng kanilang dugo.

Ang mag-asawa ay mula sa Caliking, Atok, Benguet at kapwa first time blood donors sa Dugong Bombo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ng mag-asawa na pinili nilang makibahagi sa Dugong Bombo para makatulong sa kanilang kapwa at para magsilbi rin ang aktibidad bilang kanilang family bonding.

Isinama ng mag-asawa ang kanilang maliit na anak sa pakikibahagi sa Dugong Bombo kahit hindi pa maaaring mag-donate ng dugo ang bata.

Lubos ang kagalakan ng mag-asawa dahil alam nilang makakatulong sila sa kapwa kahit sa munting paraan.