Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa nangyaring pagbaril-patay sa isang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Payatas, Quezon City kagabi.

Kinilala ang mag-asawa na sina Jonathan Manuel, isang electrician, at misis na si Jenalyn, isang tindera.

Sugatan naman ang kanilang tatlong mga anak na may edad 14, 8, at 6.

Sinabi ni Police Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Quezon City Police Department Station 6, pinasok ng hindi pa natutukoy na salarin ang bahay ng mga biktima.

Doon ay pinagbabaril ng suspek ang mag-asawa at agad na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, posible raw na alitan sa lupa at bahay ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa.