-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang tatlo ka tao sa nangyaring masaker sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Adulkadir Matuwa, 53 anyos,asawa nito na si Zahera Matuwa, 32, at ang kanilang anak na 5 anyos na si Nhala,mga residente ng Sitio Pamalian Barangay Manungkaling Mamasapano Maguindanao.

Ayon kay Mamasapano Chief of Police Major Maximino Gerodias na pinasok ng mga hindi kilalang suspek ang tahanan ng mga biktima at pinagbabaril gamit ang M16 Armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nito na nagresponde ang mga sundalo at mga pulis.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan habang nakaligtas ang siyam na buwang sanggol na natutulog sa duyan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mamasapano PNP sa naturang pangyayari.