BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Pilar, Surigao del Norte, upang mapanagot sa kanilang ginawa ang mga responsable sa pagpatay sa mag-ama kahapon sa may Sitio Paghungawan, Barangay Jaboy ng nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni P/Captain Gary Gamutan, hepe ng Pilar Municipal Police Station, na sakay ng kanilang motorsiklo ang mga biktimang sina Rommel Espanola, 45-anyos at ang 17-anyos nitong anak na parehong taga-Barangay Caridad ng naturang bayan.

Karga nila ang mga cut logs nang sila’y barilin ng ‘di pa kilalang mga responsable kung saan tumagos ang mga bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan na nauwi sa agarang kamatayan.

Sa ngayon ay may sinubaybayan na umano silang mga persons of interest at may anggulon na ring tinututukan sa pagsisiyasat.

Narekober sa crime scene ang mga slug ng ‘di pa malamang kalibre ng armas.