-- Advertisements --
Nakalabas na sa pagamutan ang legendary singer na si Madonna.
Nanatili ito sa intensive care unit ng ilang araw matapos dumanas ng “serious bacterial infections”.
Ayon sa kaniyang manager ay nakabalik na ang 64-anyos na singer sa bahay nito sa New York lulan ang isang ambulansya.
Dahil dito ay kinansela niya ang mga nakatakdang concert niya na magsisimula sa buwan ng Hulyo.