Madonna 3
Madonna/ IG post

Kinansela ng beteranang singer Madonna ang kaniyang “Madame X” tour sa Lisbon, Portugal.

Ito ay dahil sa may iniindang sakit na hindi naman na nito binanggit.

Maraming mga fans naman ang nadismaya dahil hindi agad sila naabisuhan sa nasabing kanselasyon ng concert ng 61-anyos na singer.

Sa kaniyang Instagram post, humingi ito ng paumanhin sa ilang libong mga fans niya.

Umaasa ito na matutuloy ang isasagawa nitong concert sa parehas na lugar sa Martes, Miyerkules at Huwebes bago magtungo sa London.

Hindi lamang ito ang unang beses na kinansela ng singer ang kaniyang concerts dahil noong nakaraang taon ay hindi rin natuloy ang nakatakdang tour niya sa New York City, Los Angeles, Boston, Miami at Paris dahil sa injuries at limitadong scheduling.