-- Advertisements --
Inanunsiyo ng beteranang singer na si Madonna ang pagkakaroon niya ng mga serye ng concerts.
Sa kaniyang social media account ay isinagawa ang anunsiyo kasabay ng ika-40 anibersaryo sa larangan ng musika.
Aabot sa 35 na mga lungsod sa buong mundo ang nasabing concert na magsisimula sa Hulyo 15 sa Rogers Arena sa Vancouver.
Ilan sa mga lugar sa US ay sa Detroit, Chicago, New York, Miami at Los Angeles.
Maging sa Europe ay nakatakdang magtanghal din ito sa London, Barcelona, Paris at Stockholm.
Magtatapos ang concert nito sa Amsterdam sa buwan naman ng Disyembre.