Madonna
Madonna/ IG post

Ibinulgar ng singer na si Madonna ang ginawang sexual assault sa kaniya ng movie producer na si Harvey Weinstein.

Sinabi nito na naganap ang insidente ng makatrabaho niya ito sa 1991 documentary na Truth or Dare.

Dagdag pa ng pop singer na hindi niya ito pinatulan dahil alam niyang may-asawa ang movie mogul.

Mariing pinabulaanan naman ni Weinstein ang alegasyon at sinabing nagkamali lamang sa pagsasalarawan ang singer sa kanilang relasyon.

Magugunitang noong 2017 ay lumutan ang ilang mga artista at mga babaeng nabiktima ni Weinstein at sila ay nagsampa ng kasong sexual assault.