Hinihimok ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang mabilis na pag-apruba sa proposed $4.5-trillion national budget para sa 2021.
Iginiit ni Herrera ang kahalagahan nang agarang pagkilos sa pagtalakay sa pambansang pondo pero dapat mahimay aniya ito ng husto para makagawa rin ng mga “necessary improvements”.
Mahalaga rin aniya na aktibong partisipasyon ng mga mambabatas sa budget deliberations, na nakatakdang magsimula bukas, Setyembre 4.
“Now, more than ever, Congress must diligently, effectively and expeditiously do its most basic job: pass a budget and fund the government,” ani Herrera.
Ito ay lalo pa at nahaharap aniya ang Kongreso sa mahalagang trabaho na tiyaking magsisilbing “powerful tool” ang 2021 budget para masawata ang COVID-19, makabuo ng long-term resilience at masuportahan ang pagbangon ng ekonomiya.
“This ongoing public health crisis constitutes an unprecedented challenge with very severe socio-economic consequences,” giit ng kongresista.
“We in Congress are committed to do everything necessary to help the government meet this challenge by coming up with a national budget that is inclusive and responsive to the needs of Filipinos in these trying times,” dagdag pa nito.