-- Advertisements --

Agad umanong tatalima ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng balasahan o reshuffling sa hanay ng kagawaran.

Ayon kay DPWH Mark Villar, kakausapin daw muna ni Villar ang mga sinibak na district engineers na sangkot sa sinasabing korapsiyon sa pamahalaan.

Ang pangalan ng mga naturang empleyado ng DPWH ay nasa listahan ng Department of Public Works and Highways.

Nagbabala rin si Villar sa mga empleyado ng DPWH na iikutan niya lahat ng mga opisina sa buong bansa bago magpatupad ng reshuffling.

Binigyang diin ni Villar na mabigat nag magiging parusa ng mga hindi susunod sa kanyang mga direktiba.

Una rito, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Villar na ibigay sa kanya ang lahat ng pangalan ng mga district engineers sa bansa matapos lumabas ang mga balitang ilan sa mga ito ay nakikipagsabwatan sa mga congressman para makakulimbat ng salapi sa kanilang mga proyekto.