-- Advertisements --
image 115

Umapela ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga public utility vehicle (PUVS) operators at driver, na bigyan ng maayos na serbisyo ang mga commuter.

Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang dagdag singil sa pasahe sa lahat ng mga pampasaherong sasakyan.

Ayon kay Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), deserve din naman ng mga mananakay ang maayos na serbisyo mula sa mga driver at konduktor.

Kadalasan kasing reklamo ng mga commuter ay ang matagal na oras na paghihintay, siksikan sa loob ng mga sasakyan,
kakulangan ng mga PUJ, PUB at mga taxi.

Aniya, ang dagdag-singil ay dapat umanong may katumbas na maayos na serbisyo mula sa mga operator at driver.