-- Advertisements --

Maraming senador ang natuwa sa maagang transmittal sa senado ng P4.5 trillion proposed budget para sa susunod na taon.

Isa na rito si Senator Panfilo Lacson. Aniya magkakaroon daw ng sapat na oras at panahon ang senador na upang aprubahan ang kanilang sariling bersyon.

Magiging maluwag din umano para sa mga mambabatas ang pagsasagawa ng bicameral conference at pagpapadala nito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang aprubahan.

Dahil umano sa maagang transmittal ay maiiwasan ang re-enacted budget para sa susunod na taon lalo na’t nasa gitna pa ng health crisis ang ekonomiya ng Pilipinas.

Una rito ay inihain na ni Lacson ang kaniyang Finance Subcommittee C report kung saan nakalista ang iba’t ibang ahensya na naka-assign sa kaniya bilang vice chairperson ng Committee on Finance.

Alinsunod na rin ito sa October 26 deadline na itinalaga ng komite.

Nakabase raw ang report ng mambabatas sa National Expenditure Program (NEP). Nauunawan din daw ni Lacson na maaaring magkaroon ng adjustment sa oras na natanggap na ng Senador ang General Appropriations Bill.