-- Advertisements --

Bibigyan ng pagkilala ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang namayapang sports legend na si Lydia de Vega.

Sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando na ang nasabing pagkilala ay dahil sa kakaibang ipinamalas na galing ni de Vega.

Hindi lamang nito dinala ang pangalan ng Bulacan at sa halip at sa buong bansa.

Magugunitang nitong Lunes ay inilipat na ang burol ni de Vega mula sa Heritage Park sa Taguig ay dinala ito sa St. Francis de Asisi Parish sa Meycauayan, Bulacan.

Nanilbihan kasi si de Vega bilang isang konsehal noong ito ay nagretiro sa sports.

Nakatakda namang ilibing si de Vega sa araw ng Miyerkules sa Pandayan Memorial Park.

Magugunitang pumanaw si de Vega sa edad na 57 dahil sa sakit na breast cancer.