-- Advertisements --
Asahan umano ang manipis na supply ng kuryente ngayong araw sa ilang bahagi ng Luzon kasunod ng pagsasailalim ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ng Luzon grid.
Batay sa NGCP advisory, mararanasan ang manipis na energy reserve mamayang alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Mararamdaman din daw ito ng mga lugar na kanilang sine-serbisyuhan mula ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.
Sa pagtatala ng National Grid, aabot sa 11,933 megawatt capacity ng Luzon grid ngayong araw.
Nasa 11,163 megawatt naman ang inaasahang demand.
Sa kabila nito, nilinaw ng korporasyon na walang inaasang brownout kaugnay ng yellow alert.