CENTRAL MINDANAO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang miyembro ng lupon ng barangay matapos barilin sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Guianor Pasawilan Samama, 40, may-asawa at residente ng Barangay Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Datu Odin Sinsuat MPS, habang sakay ang biktima sa kanyang minamanehong payong-payong sa Sitio Curbada, Barangay Upper Capiton sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ay bigla na lamang itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Naisugod pa ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City ngunit hindi na ito umaabot ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS PNP sa pamamaril sa biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here