-- Advertisements --

Tiwala ang mga nasa education sector ng Pilipinas na hindi babagsak ang bansa sa darating na paglahok sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, kahit nasa online at module type ang mga mag-aaral ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang isa ang bansa sa nangulelat noong 2018 sa performance sa pagsusuri ng PISA.

Bunsod nito, bumuo na ang Department of Education (DepEd) ng technical working group para makapaghanda na ang mga guro at estudyante.

Ang PISA ay pandaigdigang pag-aaral kung saan tinitingnan ang education system ng mga bansa sa pamamagitan ng pagsukat sa scholastic performance ng mga estudyante.

Partikular na bahagi ng pagsusuri ang mga kabataang may edad na 15-anyos.

Habang ang mga subject na parte ng test ay mathematics, science at reading.