Siniguro ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na mas paghihigpitan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang pagbabantay sa mga kabataan na lumalabas ng kanilang mga bahay.
May kaugnayan ito sa pagkamatay ng tatlong bata na nalunod sa isang manhil sa Barangay Western Bicutan.
Lubos aniyang ikinalulungkot ni Cayetano ang nangyaring trahedya kung kaya’t makikiapg-ugnayan ito sa bawat komunidad na siguraduhing may kasama ang bata tuwing lalabas ng bahay.
Nangyari ang naturang insidente bandang alas-12:40 ng gabi sa isang water hole na matatagpuan sa private property na pagmamay-ari ng Arca South.
Ang mga biktima ay kapwa residente ng Philippine National Railways (PNR) site sa mga Barangay Western Bicutan.
Kaagad itinakbo sa ospital ang mga ito ngunit binawian din ng buhay.
Dagdag pa ng alkalde, nakikipag-ugnayan na rin ito sa management ng Arca South, Philippine National Police (PNP) at mga opisyal ng barangay upang imbestigahan ang insidente.