-- Advertisements --

Nakamkam na ng Russian forces ang lungsod ng Kreminna na nasa silangang bahagi ng Ukraine.

Ipinahayag ito ni Luhansk region governor Serhiy Gaidai sa isang briefing kasabay nang pag-amin na napilitan ring umatras ang Ukrainian military sa nasabing lungsod.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa malaman kung gaano karami ang bilang ng mga nasawing sibilyan doon, ngunit batay daw sa kanilang official statistics ay tinatayang aabot sa 200 ang bilang ng mga napatay mula sa nasabing pag-atake na pinangangambahan namang mas marami pa ang aktwal na bilang nito.

Ang Kreminna ang kauna-unahang lungsod ng Ukraine na nakubkob ng Russian forces simula nang maglunsad ito ngmga bagong pag-atake sa Donbas region sa eastern Ukraine.

Magugunita na una nang inihayag ng Kremlin noong nakaraang buwan na ang pangunahing layunin nito ay ang hulihin ang ang halos lahat ng Russian-speaking sa eastern Donbas region.

Dahil sa oras na maging matagumpay ito ay magsisilbi itong vital piece ng Ukraine para kay Russian President Vladimir Putin na magbibigay naman ng malaking posibilidad sa kanilang pagkapanalo sa sinimulang digmaan.