Nagsimula ng tumanggap ng pasyenteng may COVID-19 ang dalawa pang referral facility para sa mga infected ng sakit.
Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque na may mga naka-admit ng COVID-19 patients at mga iniimbestigahang kaso o patients under investigation (PUI) sa Lung Center of the Philippines at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.
“The Lung Center currently has 22 COVID-19 positive patients and 29 PUIs, while DJNRMH has 14 confirmed cases and 13 PUIs.”
Simula naman sa Lunes, April 6, ay magsisimula na rin daw tumanggap ng pasyente at PUIs ang Quezon Institute.
“We expect the QI to be ready to accept patients by Monday. They now have three triaging tents set up.”
Kung maaalala, una ng naging operational ang Philippine General Hospital na may dedicated wing at 130 bed capacity.
Bukod sa mga referral hospital, nadagdagan din ang pasilidad na pwede ng maghawak ng COVID-19 testing.
Ayon kay Sec. Duque, certified na rin bilang independent facility ng COVID-19 test ang Western Visayas Medical Center.
Malapit na rin daw bigyan ng sertipikasyon ang Bicol Public Health Laboratory, Armed Forces Research Institute of Medical Science, V. Luna General Hospital at St. Lukes Medical Center (Quezon City at Taguig).
“Dahil dito, madadagdagan pa ang bilang ng specimen na ating mapo-proseso at mapapabilis na rin ang paglabas ng resulta.”