-- Advertisements --
image 567

Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na ang lumalalang kondisyong pangkalusugan ang nagtulak kay Administrator David John Thaddeus Alba na magbitiw sa kaniyang pwesto bilang pinuno ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa isang pahayag ay ibinunyag ng PCO na sinubukan pang pigilan ni Executive Secretary Lucas Bersamin si Alba na umalis sa SRA, ngunit nang dahil anila sa kondisyong pangkalusugan nito ay hindi na niya kaya pang ipagpatuloy na tugunan ang kaniyang tungkulin.

Ayon sa PCO, sa darating na Abril 15 nakatakdang maging epektibo ang resignation nito bilang paghahanda na rin sa pagtatalaga naman ng papalit sa kaniya.

Kung maaalala, ang pagbibitiw na ito ni Alba ay sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Sugar Regulatory Administration kaugnay sa umano’y state-sponsored sugar smuggling ng Department of Agriculture.