Luca Doncic
-- Advertisements --

Nakatipon ng 27 points, 12 assists at siyam na rebounds si Luka Doncic sa panalo ng Dallas Mavericks kontra Toronto Raptors, 103-95.

Nagdagdag ng 25 points si Tim Hardaway Jr. para sa Mavericks, na nanalo sa unang pagkakataon ngayong season makalipas na matalo sa kanilang opener sa Atlanta noong Huwebes.

Kumamada si Kristaps Prozingis ng 18 points at 10 reboudnds para sa Dallawas, habang si Dwight Powell at Dorian Finney-Smith naman ay kapwa may tig-11 puntos.

Si OG Anunoby ng Toronto ay nakagawa ng 23 points, 20 sa first half bago pa man siya na-foul.

Si Fred VanVleet ay nagtapos na may 20 points para sa Raptors, na may dalawa nang talo sa unang tatlong laro. (Reuters)

-- Advertisement --