ILOILO CITY – Pinangangambahang lumala pa ang pagkalugi ng seaweed industry sa Caluya, Antique dahil sa oil spill mula sa lumubog na barko sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Remia Aparri, sinabi nito na kung maapektuhan ang 1,532 na ektarya ng seaweed farm sa Caluya Island, malaki ang posibilidad na mawalan ang lalawigan ng P80 million.
Ayon kay Aparri, maaaring mabawasan ang impact ng oil spill kun maglalagay ng bastanteng spill booms ang Philippine Coast Guard at makagawa ng iban pang mga hakbang kasama ang local government unit.
Aniya, nagpapatuloy ang pag-validate ng ahensya kung gaano na kalawak ang naapektuhan na seaweed production.
Wala pang may natanggap na impormasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na may namatay na isda dahil sa oil spill.
Responsibilidad naman ng ahensya na mag-report sa Disaster Risk Reduction and Management sa extent ng damage, magbigay ng seaweed propagules at mga materyales sa seaweed farming.