Target ng Land Transportation Office (LTO) na matugunan ang mga motor vehicle at motorcycle plate backlogs sa 2024, sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza III.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza III na nag-order na ang LTO ng 15 milyong plaka para tugunan ang 179,000 at 13.2 milyong atraso para sa mga motor vehicles and motorcycles.
Aniya, inaasahan ng LTO na ang delivery na ito ay mababawasan ang backlog sa isang month to month basis.
Ang LTO ay isang attached agency ng DOTR.
Giit ni Mendoza, na titiyakin ng kanilang ahensya na ang mga isasagawang delivery ay tuloy tuloy.
Gayundin, sinabi ng opisyal na ang bilang ng mga paghahatid ay dumarami at ang ahensya ay may sapat na mapagkukunan upang matugunan ang naturang mga backlog.
Aniya, tumaas din ang production capacity sa 32,000 pairs kada araw o 120,000 pairs kada buwan.
Nanindigan si Mendoza na sapat ang alokasyon para dito sa taong 2024, at matutugunan na ang backlog dahil sa kasalukuyang rate ng LTO.