Sinimulan nang iproseso ng Land Transportation Office (LTO) ang 3-year validity ng mga bagong motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa.
Sinabi ni LTO chief JayArt Tugade na nakapagproseso na ang ahensya ng mahigit isang libong brand new motorcycles na nasa ilalim ng kategoryang nabanggit sa pamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS) nito.
Ang pagsasama ng mga bagong motorsiklo na may 200cc engine displacement at mas mababa ay batay sa Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 na ipinatupad nang walang pag-aaral na nagpapakita ng makabuluhang lumiliit na road worthiness ng mga bagong motorsiklo sa loob ng tatlong taon.
Nauna nang nangatuwiran si Tugade na kumbinsido ang LTO sa roadworthiness ng mga bagong motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa, kaya nabibigyang-katwiran ang pagpapalabas ng inisyal na tatlong taong validity ng pagpaparehistro.
Kung matatandaan, ang mga brand new motorcycle lang na may engine displacement na 201cc pataas ang kwalipikado para sa unang tatlong taong validity ng nasabing pagpaparehistro.










