Pinapabilisan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade ang pagresolba ng backlogs sa pag-iisyu ng mga driver’s license at plaka ng mga motorsiklo.
Sinabi ni Tugade na inatasan na niya ang kaniyang mga LTO Regional, District at mga Extension Offices na maghanap ng mga licensing center at driver’s license renewal offices na gumagana ang kanilang mga laser engravers.
Sa nasabing paraan aniya ay matutugunan ng bahagya ang nasabing problema at hindi na dumami pa ang backlogs ng mga plaka at drivers license na hindi nai-rerelease.
Paglilinaw nito na mayroong 12 milyong backlog sa mga plaka ng motorsiklo kung saan 9.4 milyon sa mga ito ay agad na papalitan sa lalong madaling panahon.
Magugunitang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng maraming backlog ng hindi nairelease na drivers’ license at plaka ng motorsiklo ay dahil sa pagkasira ng mga makina ng gumagawa ng nasabing mga plaka.